Join MultiplyOpen a Free ShopSign InHelp
MultiplyLogo
SEARCH

nonoy's Site

HomeAbout MeApr 13, 2009

VideoDec 30, '09 9:24 AM
for everyone



Download this and other original video files with Multiply Premium.

Photo Albummy tree model....Aug 29, '09 3:11 PM
for everyone

dito ko sa ilalim ng puno pauupuin ang antukin kong character,,,bagay kaya?

Photo Albumantuckla the sleepy wizzardAug 28, '09 11:35 AM
for everyone

my first caharacter in 3d... kakaantok

    "SULAT NI NANAY AT TATAY"

Sa aking pagtanda, unawain mo sana ako at
pagpasensyahan. Kapag dala ng kalabuan ng mata ay
nakabasag ako ng pinggan o nakatapon ng sabaw sa hapag
kainan, huwag mo sana akong kagagalitan. Maramdamin
ang isang matanda. Nagse-self-pity ako a tuwing
sisigawan mo ako.

Kapag mahina na ang tenga ko at hindi ko maintindihan
ang sinasabi mo, huwag mo naman sana akong sabihan ng
"binge!" paki-ulit nalang ang sinabi mo o pakisulat
nalang. Pasensya ka na, anak. Matanda na talaga ako.

Kapag mahina na tuhod ko, pagtiyagaan mo sana akong
tulungang tumayo, katulad ng pag-aalalay ko sa iyo
noong nag-aaral ka pa lamang lumakad.

Pagpasensyahan mo sana ako kung ako man ay nagiging
makulit at paulit ulit na parang sirang plaka. Basta
pakinggan mo nalang ako. Huwag mo sana akong
pagtatawanan o pagsasawaang pakinggan. Natatandaan mo
anak noong bata ka pa? kapag gusto mo ng
lobo,paulit-ulit mo 'yong sasabihin, maghapon kang
mangungulit hangga't hindi mo nakukuha ang gusto mo.
Pinagtiyagaan ko ang kakulitan mo.

Pagpasensyahan mo na rin sana ang aking amoy. Amoy
matanda, amoy lupa. Huwag mo sana akong piliting
maligo. Mahina na ang katawan ko. Madaling magkasakit
kapag nalamigan, huwag mo sana akong pandirihan.
Natatandaan mo noong bata ka pa? pinagtiyagaan kitang
habulin sa ilalim ng kama kapag ayaw mong maligo.

Pagpasensyahan mo sana kung madalas, ako'y masungit,
dala na marahil ito ng katandaan. Pagtanda mo,
maiintindihan mo rin.

Kapag may konti kang panahon, magkwentuhan naman tayo,
kahit sandali lang. inip na ako sa bahay, maghapong
nag-iisa. Walang kausap. Alam kong busy ka sa trabaho,
subalit nais kong malaman mo na sabik na sabik na
akong makakwentuhan ka, kahit alam kong hindi ka
interesado sa mga kwento ko. Natatandaan mo anak,
noong bata ka pa? Pinagtiyagaan kong pakinggan at
intindihin ang pautal-utal mong kwento tungkol sa
iyong teddy bear.

At kapag dumating ang sandali na ako'y magkakasakit at
maratay sa banig ng karamdaman, huwag mo sana akong
pagsawaan alagaan. Pagpasensyahan mo na sana kung ako
man ay maihi o madumi sa higaan, pagtiyagaan mo sana
akong alagaan sa mga huling sandali ng aking buhay.
Tutal hindi na naman ako magtatagal.

Kapag dumating ang sandali ng aking pagpanaw, hawakan
mo sana ang aking kamay at bigyan mo ako ng lakas ng
Loob na harapin ang kamatayan.

At huwag kang mag-alala, kapag kaharap ko na ang Diyos
na lumikha, ibubulong ko sa kanya na pagapalain ka
sana ... dahil naging mapagmahal ka sa iyong ama't ina...

                     

                      Mula sa panulat at akda ng ating kaibigan,
                                                                        CORIE


Photo AlbumILOCAOC VACATION2Jun 2, '09 8:13 PM
for everyone


Photo AlbumILOCAOC VACATIONJun 2, '09 7:51 PM
for everyone


Photo Albumang mga munti kong kaibiganMay 11, '09 11:26 AM
for everyone

sana...mapabilang din sila sa mga sinasabi nating mga pag-asa ng bayan

Blog EntryMay 11, '09 11:18 AM
for everyone

    Sa tuwing papasok ako sa work ko tuwing umaga...nilalakad ko lang ang Bonifacio Ave.hanggang Obudan st. hindi dahil sa wala akong pamasahe. Gusto ko lang pagpawisan kahit konti para magbawas ng sugar ko. Nadadaanan ko lagi ang mga bata na'to, laging nakatingin sa'kin. Maaga silang mgising, di tulad ng ama nilang alas nueve na, nakatihaya pa rin sa loob ng kariton. Minsan, natataon na may bitbit akong miryenda,pabaon sa'kin ng misis ko,nadaanan ko yung pamilya,yung isang bata nakadapa pa sa dibdib ng ama at yung bunso, nakaupo sa loob ng kariton, basa ang mata at puno ng uhog yung mukha.Nakalampas na ako ng apat na hakbang pero habol pa rin ako ng tingin ng bata. Para bang may kumurot sa puso ko,..bumalik ako at inabot yung dala dala kong supot. Malayo pa yung supot, nakadipa na kaagad ang bata. Para bang ina-anticipate yung pag-aabot ko. Ewan ko kung dahil sa gutom o baka sanay nang umabot ng limos.Sabi ko sa bata..."boy, bigyan mo yung kapatid mo ha" patango-tango siya at yakap yakap ang supot na para bang sinasabi..."wala nang bawian". Kinabukasan, malayo pa, nakita ko kaagad yung dalawa, nakatayo na sa daraanan ko. Alam ko na kung bakit, ako siguro ang inaabangan nito. Hindi na basa yung mga mata nila pero yung mga uhog nanduon pa rin. Ang kaibahan lang , mga nakangiti na. Sa isip ko lang... patay na naman ang baon ko... pero inabot ko pa rin. Para kasing instinct sa isang ama yung pag sumasalubong sayo yung bata, kailangan may maiaabot kang pasalubong.

        Nagbabalot ng tasty yung asawa ko, sabi ko," dagdagan mo pa nga ng dalawa at may pagbibigyan ako!". "Sino ba" "Yung mga bata sa kariton". "Naku masasanay lang sa'yo yung mga yun." "Hindi, ngayon lang yan."  Pero sa isip ko, gaano na lang ba yung apat na paypay ng tinapay na iaabot ko sa kanila. Kahit pa siguro araw-araw, puede....napapasaya ko naman kahit konti yung dalawang bata. Pero mabait din naman ang misis ko, may kasama pang tatlong t-shirt na pinaglumaan yung tinapay. Kesa gawin daw nyang basahan,ibigay ko na lang daw.

        Magmula noon, kung wala  akong dalang baon, bumibili ako ng isang supot na puto halagang 12 pesos, tuwang tuwa na yung dalawa.Yung mga magulang? parang wala lang, busy lagi sa pagsusunog ng putol putol na kuryente o kaya nag aasort ng mga lata at plastik na pinulot siguro nila maghapon. Sabi ko sa sarili ko,"kita mo nga naman, ako may pambili ng pagkain, pero hindi makatodo ng kain dahil diabetic, samantalang sila...ewan o kung makasapat yung kikitain para lang sa maghapong kakainin."

        Minsan nakatuwaan kong kunan ng picture yung dalawa para ipakita ko sa  misis ko, Alam din yata ng mga bata na  kukunan ko sila ng picture kaya medyo niyaya pa ng isa yung bunsong kapatid para mag pose.

        Sa kanila, nakikita ko yung pagiging isang tunay na tao.... nagugutom, pero nagtatrabaho para may pangtawid gutom...kaya lang hindi sila nagnanakaw tulad ng mga tao sa gobyerno at mga politiko, Meron din silang bahay,,,,pero kariton nga lang. Meron din siguro silang budhi dahil bobo sila, di tulad ng mga paham sa gobyerno na kayang bilugin ang ulo ng bawa't isa sa'tin. Kagaya na lang ng pinaka latest na scam na paiimbistigahan (daw)ngayon  sa kongreso. Ang "Dep-Ed feeding Program Scam". Sila po ay institusyon para magsanay at magbahagi sa tao ng wastong kaalaman para maging matuwid at hindi maging baluktot ang pag-iisip ng isang indibidwal.Sila na sana'y isang huwaran, ang maghuhubog at kakalinga sa kabataan sa pamamagitan ng edukasyon. Sa ngayon ay dipa napatutunayan ang mga alegasyon, pero meron pa ba namang nabago sa sistema natin pag dating sa kurapsyon? O meron na bang napatunayan sa lahat ng mga alegasyon tungkol sa kurapsyon?

         Malimi nyo pong basahin ang artikulong makikita ninyo sa internet tungkol dito...at kayo na rin ang maghusga kung ano ang tama at mali na nangyayari sa ating kapaligiran. Ito po'y sarili kong pananaw lamang at hindi po saklaw ng sino mang pag-iisip.


Photo Album"the unseen"May 10, '09 11:00 AM
for everyone


Blog EntryMay 7, '09 2:13 PM
for everyone

    Ouch!...akala ko clay pa rin, daliri ko na pala yun. (jk jk). My daughter ask me when she saw some of our pics on 3D modelling, "tay gawa nyo yan?" "Yes anak, gawa namin ng mga  kalaro ko sa KorPhil". "Wow sarap naman sa school nyo, para lang kayong mga bata na nag lalaro". Isip-isip ko...akala mo lang yun.Pero sa tutoo lang, nangingiti ako sa sarili ko...bakit? Kasi sa age ko, halos mga anak ko na lang yung mga classmates ko.

     But anyway, thanks na rin to all my classmates for treating me like one of them.There were a few who were very magalang talaga at pinu po pa rin ako ( mga taong pinalaki talaga ng wasto ng mga parents. he he ) well, it's a nice feeling being their kuya since I am the eldest in our batch. The camaraderie is overwhelming, as if...walang iwanan hanggang sa dulo. Although, hindi nawawala sa 'tin yung personal inhibition,and indifferences sometimes,but because of our common goals...wow, habang tumatagal lalong tumitibay ang samahan sa barangay KorPhil...palagay ko may mararating kami. Siguro dahil sa clay kaya kami nagkadikit-dikit...he he.

    What really amazed me about the workshop is their no nonsense approach on how they train their student to become a real 3D animator. I remember tuloy noon, way back 90's pa, I've been to a crash course 3d animation kuno..yung naalala ko lang sa instructor noon, yung dialog nya lagi..."Finnish or not finnish, save your plates coz it's 4:00 P.M. na ! (di ko na babanggitin ang name ng Training school). Dito sa Korphil, Pati working attitude mo, mababago dahil di lang puro drawing at modelling ang ituturo sa'yo but as a team player ready to work with the group.

    I have seen the works of Batch I,and wow.talagang nalula ako. Alam na kaya ng 3D community na may mga astig na animators sa barangay Korphil?


Photo Albummy 3D model KawaiiMay 7, '09 11:16 AM
for everyone

"Antuckla" the sleepy boy.

Blog EntryMay 2, '09 10:28 AM
for everyone

masarap humarap sa dagat sa tuwing nag-iisip ka...parang nanduon lang sa kabilang dulo yung hinahanap mo. Yung katahimikan nya para kang nahi-hypnotized.....nakaka relieve talaga ng stress. Kaso mo... may biglang sisigaw sa likuran mo..."HOY !!! UWIAN NA!!!  BAHALA KA SA BUHAY MO...MAIWAN KA DYAN !!!  (killjoy.. bwiset.)


Photo Albumthe battle of ScotlandMay 1, '09 10:58 AM
for everyone

Unfinished repro of "Scotland Forever" as a gift for my brother inlaw...."Bro
sa nxt birthday mo n lng tatapusin!" he he

Photo AlbumMaiden and the beastMay 1, '09 10:53 AM
for everyone

some of my unfinished carving.. ala lang , busy masyado kaya di natapos

Photo Albummy first clay model in 3d classMay 1, '09 10:46 AM
for everyone

cute sila kaya lang mali...mukha kasing inaantok.

Photo Album" feel free"May 1, '09 3:36 AM
for everyone


Photo AlbumHere we are..Apr 27, '09 6:22 PM
for everyone


NoteGuestbook
   
megrobinstudio wrote on Apr 29, '10
APRIL 29 is a significant day sa amin ni Chad..-it was the day when we filed a marriage license.. yeah, it was on your birthday, its written on my diary.
HAPPY BIRTHDAY Kuya Noy! We wish u good health and many more happy years with your family and loved ones.
jrbortoloy wrote on Dec 22, '09
merry christmas din bay
nannetterose wrote on Dec 21, '09
merry christmas to you and your loved ones.
labanos78 wrote on Dec 20, '09
Wishing You a Merry Christmas From My family to YOURS....HUGGS!!!
lovedcats wrote on Dec 6, '09
you are such a great artist!
keep it up men!
moew!
lovedcats wrote on Dec 6, '09
thank you for adding us in your contacts..
and you are such a great artist! meow!!
labanos78 wrote on Nov 4, '09
how are you?
ambercheng wrote on Sep 11, '09
hehe
nuttygritty wrote on Sep 4, '09
yung ibang contact mo puro mga classmates ko ..he he, small world p talaga 3d sa pinas
dickieilagan wrote on Sep 3, '09
minsan pwede nio ako pasahan ng 3d works at magwork colaborate tayo... ok ba sau thanks pala sa pagbisita mo sa multiply site ko... lahat constact ko nandun din sa site...
deslombos wrote on Aug 14, '09
ur welcome po.. thanks sa pagconfirm! ahehehe =P
jrbortoloy wrote on Aug 13, '09
taga bohol pud ka bay?
sneakgeeks wrote on Aug 12, '09
Visit Us! Thanks!

Photobucket
roovette12 wrote on Jul 30, '09
kuya nonoyyyyyyyyyyyyy!!!!!!!!!! hello!!!!!
labanos78 wrote on Jul 4, '09
Hello Kuya ..Good Morning diyan and good evening dito sa amin...Happy sunday diyan sa inyo...It's still saturday evening dito...so nagpupuyat pa ako...
intrageist wrote on Jun 21, '09
Happeee father's day Kuya Noy!
labanos78 wrote on Jun 19, '09
Thank's for the invite...I love your site...lot's of interesting things to see.....
majarlikja wrote on Jun 13, '09
salamat sa pag bisita
thedoodlehouse wrote on Jun 12, '09
boissonlait wrote on Jun 9, '09